Ano Po Ibig Sabihen Ng Paglalahad Sa Kahulugan Ng Bata?

Ano po ibig sabihen ng paglalahad sa kahulugan ng bata?

Ibig sabihin ng paglalahad ay pagsasalaysay, paglalarawan, pagpapaliwanag at pagtatanghal. Kung maglalahad sa kahulugan ng bata ay maaaring tungkol ito sa kalagayan at pananaw ng isang bata. Ang pananaw ng bata ay napaka simple kung ihalintulad sa pananaw ng mga matatanda.

Mas kailangan ng atensiyon ang mga bata at lalong kailangan nila ang gabay ng mas nakakatanda. Kinaugalian na ng mga bata ang makapaglaro lang at makapaglibang dahil di pa ito nakatuon sa mga responsibilidad sa buhay.

Ang mga bata ay siyang pag-asa ng bayan ika nga ng mga matatanda dahil para sa kanila ay nakasalalay sa mga bata ang magandang kinabukasan ng bayan. Mga bata din ang nagbibigay inspirasyon sa mga magulang kung kayat nagsisikap sila na maitataguyod ng maayos ang kanilang mga anak.

Para sa karagdagang impormasyon ay maaring tingnan lamang ang iba pang mga link sa ibaba:

brainly.ph/question/1051655

brainly.ph/question/465115

brainly.ph/question/294402


Comments

Popular posts from this blog

Noli Me Tangere Kabanata 16 Buod