Keyword Plsss... Sa Kabanata 34 El Filibusterismo

Keyword plsss... sa Kabanata 34 El Filibusterismo

Kabanata 34 Magkakaroon daw sa wakas ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit lamang na tugon ni Simoun sa kanya ay lumayo siya sa kalye Anloague. Hindi na tinukoy ni simoun kung anong pagdiriwang at kung saan ito gaganapin, basta ang alam ni basilio ito ay isang malaking pagdiriwang na gaganapin sa isa sa mga bahay sa kalye Anluwage. Pumunta si Basilio sa bahay Ni Kapitan Tiyago upang kumuha ng mga natitirang gamit. Biglang nalito si Basilio dahil sa kanyang pagkakaalam ay si Isagani ang kasintahan ng dalaga, naawa siya kay Isagani at nagisip na anyayahan itong sumapi sa kanila. Ngunit kinontrahan ito at sinabing di rin papayag si Isagani pagkat di ito sanay sa mga madugong labanan. Napaisip na naman siya, na ano kaya siya kung hindi siya nabilanggo at nakilahok? Malamang ay nakapagtapos at nanggagamot na siya at malamang ay nag-asawa na din. Naalala niya si Juli ang kawawang si Juli biglang nagtiim ang kanyang bagang at napuno ng puot ang kanyang damdamin, dapat niya ding ipagtanggol ang nangyari sa kanyang kasintahan. Nakita niya si Sinong na nagmamaneho ng karwahe na sakay si Simuon.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ano Ang Mga Halimbawa Ng Batas Sa Tahanan