Noli Me Tangere Kabanata 16 Buod
Noli me tangere kabanata 16 buod
Noli Me Tangere
Kabanata 16: Si Sisa
Buod:
Ang kabanatang ito ay naglalarawan sa isang ulirang ina na nagngangalang Sisa. Siya ay may dalawang anak na nagngangalang Basilio at Crispin. Dahil sa pagkakaroon ng asawang iresponsable at sugarol, ang buhay ng mag - iina ay naging kapus palad. Kadalasan, imbes na naglalaro ay nagtatrabaho ang magkapatid upang may makain. Ganun rin naman si Sisa. Wala siyang tigil sa paninilbihan at paglalako ng mga pagkain upang matulungan ang mga anak sa paghahanapbuhay.
Ang gabing ito ay espesyal para kay Sisa sapagkat siya ay nakahingi ng masarap na ulam para sa kanyang mga anak. Ang ulam ay ipinagkaloob ni Pilosopo Tasyo. Kaya naman dali daling siyang umuwi upang ihanda ang pagkaing inilaan para sa dalawang bata. Sa kasamaang palad, inubos ng kanyang asawa ang lahat ng inihandang pagkain. Walang nagawa ang ina kundi tumangis habang sinisinop ang mga natirang pagkain para sa dalawang anak. Batid niyang sa haba ng oras ng kanilang pagtatrabaho ay tiyak na gutom na ang mga ito. Habang tumatangis ay narinig niya nag malakas na sigaw ng anak na si Basilio na lalong nagpaigting ng kanyang nararamdamang lungkot sapagkat hindi niya kasama ang nakababatang kapatid na si Crispin.
Read more on
https;//brainly.ph/question/2070822
Comments
Post a Comment